Keep the word of our Lord into your heart…..

And you shall never want for anything.

Linggo, Pebrero 24, 2008

Kung bakit kailangan ang pahintulot ng pangasiwaan ng Iglesia ng Dios sa isang pasisimulang relasyon gaya ng pakikipagtipan at pag-aasawa ASB

Ang mga nakasaad sa blog entree na ito ay ayon laman sa aking pakaunawa sa aking napakinggan mula sa aming mga mangangaral.



Kung bakit kailangan ang pahintulot ng pangasiwaan ng Iglesia ng Dios sa isang pasisimulang relasyon gaya ng pakikipagtipan at pag-aasawa Ayon sa Biblia.

Pasimulan natin sa ganitong katanungan ang paksa:

Sa anong layunin nalagay at sino ang naglagay ng pangangasiwa sa Iglesia ng Dios?

Ang una natin alamin ay sino ba ang tumatawag o naglalagay ng tao sa pangasiwaan ng Iglesia ng Dios? tayo’y magbasa sa Colosas 1:24-25

Col 1:24 Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia;

Col 1:25 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,”

Atin mapapansin sa talata na si Pablo ay ginawang ministro sa Iglesia at mula ito sa pamamahala ng Dios , at ang layunin kung bakit ng lagay ng ministro sa Iglesia ang Dios upang maipahayag ang Kanyang mga salita.

Ngayon ang pangalawang aalamin natin ay kung papaano ipinahahayag ng Lingkod ng Dios ang salita ng Dios. Ating mababasa sa Mateo ang instruction ng ating Panginoong Jesus kung papaano dapat ipahayag ang salita ng Dios: tayo’y magbasa

Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

Mat 28:20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan."

Maliwanag ang sinasaad sa talata kung sa papaanong paraan dapat maipahayag ang Salita ng Dios, ito ay dapat maituro ayon sa nais ng Dios at ipapatupad ng buo. Alam naman natin na bahagi ng salita ng Dios ang evanghelio at kung kailangan ganapin natin lahat ng mga bagay na isinasaad sa evanghelio, ang susunod natin tanong ay sakop ba ng evanghelio ang buong pamumuhay natin? ating muling kunsultahin ang biblia sa Filipos ay may nasusulat na ganito

“filipos 1:27 Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo'y matitibay sa isang espiritu, na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;”

Isinasaad sa talata na “ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evanghelio” pag sinabing pamumuhay ibigsabihin sakop lahat ng ating gagawin mula sa pagsasalita(Efeso 4:29, 1 Tito 2:11-12), pagkain (Rom 14:20-23), hanggan sa pananamit(1Ti 2:9). Kung ang pagsasalita, pagkain at pananamit ay sakop ng evanghelio lalo naman ang pakikipagrelasyon, bumasa tayo ng halimbawa

“1 Corinto 15:33 Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.”

Nagsabi si Pablo that we should beware of “masasamang kasama” kasi kahit maganda ang ugali mo pwede itong masira dahil sa masamang kasama mo. Kaya dapat lang sumangguni tayo sa Pangasiwaan bago pa man tayo pumasok sa isang relasyon katulad ng pakikipagtipan at pag-aasawa sapagkat itong relasyon na papasukin natin ay magiging malaking bahagi ng atin buhay, katulad ng mababasa sa 1 Corinto 14:40

1Co 14:40 Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.”

Gawin nating may karapatan at kaayusan ang lahat ng mg bagay at sa lahat ng mga bagay na ito ay kasama ang pakikipagtipan at pagaasawa.

Ang susunod naman natin aaalamin ay Kanino nagpasimula ang karapatan ng paggawa sa loob ng Iglesia?

Phi 2:13 Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.”

Sa Dios nagpapasimula ang pagnanais natin gumawa. At sino naman ang pwede Niyang gamitin upang gumawa sa loob ng Iglesia? magbasa tayo ng halimbawa

“‘Tit 1:5 Dahil dito'y iniwan kita sa Creta, upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang, at maghalal ng mga matanda sa bawa't bayan, na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo;”

Tit 1:9 Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo, upang umaral ng magaling na aral, at papaniwalain ang nagsisisalangsan”

Si Tito ay sinugo ni Pablo sa Create upang mangaral. Ang karapat ni Tito na magturo sa Creta ay galing kay Pablo at ang karapantan ni Pablo upang magsugo kay Tito ay galing naman sa Dios katulad na ng nabasa natin ng una sa Colosas 1:25

Maliwanag sa mga talata na nabasa natin na ang karapatan ng paggawa sa loob ng Iglesia ay nagpapasimula sa Dios at sa pamamagitan ng Kanyang sinugo naipapatupad ang Kanyang kalooban sapagkat sa una palang ay nakahanda ang ating lalakaran ito ay nakasulat sa Efeso at ang kailangan nalang ay lakaran natin ito.

Efeso 2:10 Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.”

Kung ito ay nakahanda na ng una palang ibigsahin nakasaad na sa biblia ang disiplina ng magiging pamumuhay natin halimbawa

1Co 5:11 Datapuwa't sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya'y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo'y huwag man lamang kayong makisalo.

1Co 5:12 Sapagka't ano sa akin ang humatol sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob?

1Co 5:13 Datapuwa't sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.”

1Co 15:33 Huwag kayong padaya: Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali.

Kung sa mga talata na yan ay isinasaad kung papaano dapat tayo makikipagrelasyon o makikisama sa ating kapwa at sakop ng evanghelio ang pakikipagrelasyon natin sa ating kapwa lalo naman at higit ang pakikipagtipan at pagaasawa, tayo’y muling magbasa ng patunay sa biblia

Mat 18:18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.”

Ang isang ibigsabihin ng pagtatali dito ay ang pag-aasawa ang patunay nito ay mababasa natin sa Roma

Rom 7:2 Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa”

Ang mangangaral ang nagtatali ng magkasintahan at ito ay tinatali sa pamamagitan ng kautusan. Ang tali dito ay hindi literal na katulad ng ginagawa ng iba na pinasusuot ng tali ang ikinakasal habang ginagawa ang seremoniya ng kasal, sa Iglesia ang tali na ginagamit upang itali ang magkasintahan ay ang kautusan.



Pagkatapos natin maunawa ang lahat ng ito ang susunod naman nating aalamin ay ang centro ng Paksa. Kung bakit kailangan ang pahintulot ng pangasiwaan ng Iglesia ng Dios sa isang pasisimulang relasyon gaya ng pakikipagtipan at pag-aasawa?

Magsimula tayong uli na kunsultahin ang Biblia

Heb 13:7 Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.”

Sa Iglesia ay naglagay ng tagapagpuno o pinuno, sila daw ay alalahanin natin at tularan ang kanilang pananampalataya at kung itutuloy natin ang pagbabasa sa talatang 17 mababasa nating ang ganito

Heb 13:17 Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila : sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.”

Kung totoong kapatid o lingkod tayo ng Dios dapat tayo ay magsitalima at mapasakop sa namumuno sa atin sapagkat ito ay kalooban ng Dios ibigsabihin hindi tayo gagawa ng labag sa ipinatutupat sa loob ng Iglesia at kung totoong sumasampalataya tayo kailangan natin magpasakop sa pangasiwaan at ang isang paraan ng pagpapasakop ay magpaalam o ihingi natin ng pahintulot bago tayo pumasok sa isang relasyon katulad ng isang anak sa kanyang magulang. At ang una dapat nating maintindihan ay ang kalooban ng Dios, na hindi naman ipapatupad ang isang bagay sa loob ng Iglesia na hindi kasang-ayon sa kalooban ng Dios. Ito ang patunay

2Ti 2:24 At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, sapat na makapagturo, matiisin,”

“2Co 3:6 Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan; hindi ng titik, kundi ng espiritu: sapagka't ang titik ay pumapatay, datapuwa't ang espiritu ay nagbibigay ng buhay.”

Nakalagay sa talata na “sapat na makapagturo” sapat ang turo sapagkat ang dalang turo ng mangangaral ay sapat. Sapat sapagkat sa lahat ng bagay ay mayturo; kung papaano kakain, mananamit, sapananalita, kung papano makikisama sa mga kapwa tao, maghahanap-buhay atbp.

Ang kailangan lang naman nating gawin ay ipaalam sa ating pangasiwaan ang mga bagay katulad ng pakikipagrelasyon o pagaasawa upang magabayan tayo sa ating mga desisyon na gagawin at maingatan tayo sapagkat an gating mga mangangaral ay nagiging magulang din natin; tayo’y magbasa

Eph 6:1 Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),”

“Eph 5:33 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.”

kung mapapansin natin sa pangalawang talata na nabasa natin ang sabi sa talata “magulang sa Panginoon” doon tayo tumalima sa mga magulang natin sa Panginoon, sino ba ang mga maari nating maging magulang sa Panginoo?

Hindi naman ibigsabihin na yung magulang natin na nanganak sa atin ay yun na ang magulang nating sa Panginoon dahil may mga magulang na minsan yung magulang natin sa laman yun pa ang nagiging hadlang sa paglilingkod ng isang tao. Ang isang nakatala sa biblia ay itinuturing ng mangangaral na ang kanyang mga inaakay na kanyang mga anak

“2Co 12:14 Narito, ito ang ikatlo na ako'y handang pumariyan sa inyo; at ako'y hindi magiging pasanin ninyo: sapagka't hindi ko hinahanap ang inyo, kundi kayo: sapagka't hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang, kundi ng mga magulang ang mga anak.”

Ang pangunahing maari nating maging magulang sa Panginoon ay an gating mga mangangaral katulad ng ginagawa ni Pablo na inihanlintulad niya ang situasyon o relasyon niya sa mga kapatid sa Iglesia ng una.

nakita natin na kailagan natin tumalima at ipaalam sa ating pangasiwaan bilang ating mga magulang sa Panginoon ang ating pasisimulang relasyon ang susunod naman nating aalamin ay , ano ang matitiyak ng sinomang magpapasakop sa Pangasiwaan?

Magsimula tayong magbasa ng mga talata

Heb 13:4 Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.”

May aral sa Iglesia na maging marangal ang pagaasawa ang aral na ito ay hindi lamang para doon sa may asawa kung hindi pati rin doon sa mga nais mag-asawa. Kung gusto nating maging marangal ang ating pag-aasawa simulan natin ng marangal ang isang halimbawa ng marangal na pag aasawa ay ang ng yari kina Jose at Maria

Mat 1:19 At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.”

Dahil nga matuwid na tao si Jose mas nais niya nalang ang lumayo sapagkat buntis si Maria at alam niya ang katotohanan hindi pa sila nagtatabi ni Maria. Ito ang isang halimbawa ng marangal na pag aasawa na hindi pa nagtatalik ang dalawan tao kung hindi pa sila kasal. At magbasa tayo sa biblia na hindi pinahihintulutan ang premarital sex.

1Co 7:9 Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita .”

Ang talata na ito ay tahasan tumututol sa premarital sex, kung papansinin natin ang talata isinasaad nito na kailagan magpigil tayo at huwag natin pagningasin ang pita ng laman ibigsabihin gagawin natin ang kaukulang pagpipigil at kung ginawa natin ang lahat ng kinauukulan at nararamdaman natin na hindi na nating kaya ay magsipag asawa o ibigsabihin kailangan dumaan sa process ng pagpapakasal hindi yung sasabihin natin ‘hindi po kami nakapagpigil kaya may nagyari’ at ito lumalapit ka sa pangasiwaan at humihingi ng pahintulot para magpakasal kayo kasi may nagyari na. Hindi kana nagpapaalam kung hindi ipinaaalam mo nalang. At ito pa ang isang patunay na bawal ang premarital sex

1Co 7:34 At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa.”

Kung papansinin natin ang talata, ito ay nagsasaad ng dapat na diwa ng isang babaeng Christiano. Dapat ito ay banal sa katawan at sa espiritu. Paano magiging banal sa katawan ang isang dalaga kung makikipagtalik siya ng hindi pa siya natatali ng kautasan sa isang lalaki.—sa mga dalaga dapat magkaroon tayo ng pride at dapat igalang natin ang ating sarili huwag kayong papayag na may magyari na hindi pa kayo kasal -- Ikaw naman na lalaking Christiano para naman matupat ito ng isang babae dapat ikaw sa sarili mo ay igalang mo siya at galangin mo din ang sarili mo sapagkat ang katawan ng Christiano ay ginagawang tahanan ng espirito ng Panginoon (“1Co 3:16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayo'y templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?)” kaya dapat maging banal ang ating katawan dahil hindi pwede ipagsilbi natin an gating katawan sa kalikuan o kasalanan na katulad ng preamarital sex (“Rom 6:13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios.)

Sa mga taga sanlibutan ay baliwa ang mga ito, sila’y lulong na lulong sa mga ganitong gawain sa iba ngang nation ay may sinasabi silang ganito ‘kung ang isang babae teenager ay wala pang karanasan sa pakikipagtali ito daw ay panis at ganoon din naman sa lalaking teenager” ibigsabihin ok lang sa kanila ang premarital sex pero dapat ang hindi tayo gumaya sa diwa ng sanlibutan katulad ng isinasaad sa

Rom 12:2 At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.”

Magbago tayo ng pag-iisip at huwag tayo magsitulad sa kanila na gumagawa ng labag sa kalooban ng Dios.

Sagutin natin ang tanong natin ano ang matitiyak ng sinomang magpapasakop sa Pangasiwaan?

Kung magpapasakop tayo masisigurado nating masisimulan natin ng marangal ang ating relasyon napapasukin at magkakaroon tayo ng guide sa ating relasyon maaalalayan tayo at hindi tayo matutulak para magkasala at magkakaroon ng basbas mula sa langit katulad ng nakasaad sa Mateo 18:18

Mat 18:18 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.”

At lagi nating tandaan ang Pangako ng Panginoon

Eph 6:1 Igalang mo ang iyong ama at ina (na siyang unang utos na may pangako),”

“Eph 5:33 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon: sapagka't ito'y matuwid.”

Pagnagpasakop tayo sigudong gagabayan tayo ng espirito ng Panginoon at remember ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon at kung gusto mo magkaroon ng mabait na asawa magpasakop ka

Pro 19:14 Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: Nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.”



Maraming kapatid ang napahamak dahil hindi nagpapasakop at kahit ako mismo may nakita na napahamak dahil nag asawa na hindi niya sinanguni sa pangasiwaan


Church Of God


Here's my little sweet girl, who makes me smile everyday.


The Path

The Path
The Path of Your Future is Not Behind You
ZWANI.com - The place for myspace comments, glitters, graphics, backgrounds and codes