Keep the word of our Lord into your heart…..

And you shall never want for anything.

Huwebes, Disyembre 27, 2007

Ano ang dahilan ng pagyanig ng lupa sa iba't ibang dako ng lupa at sakabuuan nito at ng kalangitan

Ito ay isa sa mga natutunan ko sa loob ng Iglesiang kinaaaniban ko at ang mga nakasaad dito ay ukol laman sa aking pagkaunawa sa texto na aking napakinggan.

Sapagkat sunod-sunod ang lindol sa iba't ibang lugar at halos araw-araw ay may na itatalang pagyanig naisip kong i-post ang topic na ito upang maibahagi ko ang aking natutunan tungkol sa lindol at ito'y ayon sa bibliya.



Bakit nga ba umayanig ang lupa o nagkakaroon ng lindol at ano ang dahilan nito?

Bumasa tayo ng unang talata, sa Job ay may nakasulat na ganito:

"Job 9:5 Na siyang naglilipat ng mga bundok, at hindi nila nalalaman, Pagka nililiglig niya sa kaniyang pagkagalit.
Job 9:6 Na siyang umuuga ng lupa sa kaniyang kinaroroonan, At ang mga haligi nito ay nangayayanig."

Ang dahilan pala kung bakit umayanig ang lupa ay sa dahilang nagagalit ang Dios, Magbasa pa tayo ng ibang talata mula sa bibliya.

2 samuel 22:8 Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.

Psa 18:7 Nang magkagayo'y nauga at nayanig ang lupa, Ang mga patibayan naman ng mga bundok ay nakilos, At nauga, sapagka't siya'y napoot

mapapasi natin na tuwing niyayanig ng Panginoon ang lupa, Siya'y galit, Ano ba ang ikinagagalit ng Panginoon upang magudyok sa kanya upang yanigin ang lupa? Bago natin alamin ito, alamin muna natin kailan ba unang yinanig ng Dios ang lupa?

Sa Genesis may nakasulat na ganito?

Gen 7:10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.
Gen 7:11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.
Gen 7:12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.

mapapasin natin ang salitang " nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan. " kung sususriin natin ng maigi ang diwa ng mga salitang ito, ito ay tumutukoy sa bedding ng lupa o yung pinakailalim ng lupa, noong una kasi ng pag lalang ng Dios ang bu0ng mundo pati ang tao ay ginawa niyang perfecto at atin itong mababasa sa genesis

"Gen 1:31 At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. "

Pero nawala ang pagkaperpecto ng mundo noong nagpabaha ang Panginoon sa panahon ni Noe kung pupuntahan natin ang scientific basis makikita natin ang structure ng mundo sa kabuuan nito ay may mga layer at ang isa sa mga layer nito ay ang tubig

bumibigat ang lupa dahil sa kasalanan.

kaw30:21 dimadala

mat 24:25
hagai 2:5-6
heb.12:25-27

tumangi sila at bumuka ang lupa

2 sam.22:8
isa 13: 11_12 mabangis na galit ng Panginoon

gen.7:10-11
bilang 6:30-34
bakit pati ang langit ay manginginig
isa 12:13
heb 2:16
ky yayanigin ang langit dahil meron mga nakatahan na ng cause ng pag hihirap ng mga mahal Niya at cause sumama ang iba. to show justice

apoc 16:14
efe 2:2
kailan manyayari na yayanigin ang buong lupa
mat..24
rom 18:19-25
rom18:26-29
doon palang makakapaglingkod ng totoo


add gen 6:11
job 9:5
jer9:21
2 cor 7:14

Huwebes, Disyembre 20, 2007

Ang awit ng isang Ina

Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng Pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw ng munti pang-bata sa piling ni Nanay




Ito ang madalas kong awitin sa aking mga anak habang pinatutulog ko sila at sa tuwing inaawit ko ito hindi ko mapigilang lumuha sapagkat na aalaala ko ang aking Ina, ang mga sandaling magkasama kami. Mahal na mahal ko siya. Ganoon pala ang totoong nagmamahal wala kang maalaala na masamang ginawa o hinanakit o sama ng loob na ipinagtanim mo kung hindi yung magagandang alaala lang ang mari-retained sa isip mo, sa tuwing naaalala ko siya wala akong maalalang masama ang naaalala ko madalas niya akong paluin at pagsabihan pero walang rebellion na pakiramdam sa aking. Ang paulit-ulit na naaalala ko ay yung sandali na ako ang pinapalo ng mama ko kahit wala akong kasalanan. Natatandaan ko pagkatapos niya ako palutin at alam kong wala akong kasalanan ayaw ko siyang makita dahil galit ako pero pagpupunta na siya sa trabaho at hapon na hindi pa siya dumadating pupunta na ako sa kwarto namin at magdadasal sa harap ng altar at paulit-ulit yung na may kasamang pagluha na may pangako na magpapakabait na ako at pagsamo na iligtas Niya ang aking ina at iuwi sa aking ng ligtas, hindi ako tumitigil hanggang hindi dumadating ang aking Ina at pagdating niya nakikita niyang mugto ang aking mga mata tatanungin niya ako at ngiti lang ang isasagot ko, isa lang ito sa mga naaalala ko.


Noong nakaraan dumalaw ako sa aking Ina, upang kamustahin siya. May napansin ako na naka-display sa hagdanan nila na isang piraso ng papel na mukhang luma na at may nakaguhit dito na isang larawan ng mag-ina at may tula na nakasulat sa tabi ng larawan, ang ganda ng tula at OK din naman ang pagkakaguhit. Naapreciate ko talaga kaya tinanong ko sa aking Ina kung saan nila nakuha yung nakadisplay at tumawa siya at sabay sabi "E! di bigay mo sa aking noong Grade 6 ka" nagulat ako ng marinig ko yun kasi hindi ko maalala naibinigay ko yun. Kinulit ko ang aking Ina kung totoo ba talaga na ako ang nagbigay ng tula na iyon at muli sinabi niya "Oo nga, ikaw. . . mother's day mo ibinigay yan" at dahil mukha akong nagduda kaya pinakita pa niya ang iba kong mga sulat at sinabi niya "itinatabi ko yan..... naisip ko lang naman i-display". Lihim akong napaiyak kasi noong ko lang nalaman na pinahahalagahan pala ng aking ina ang mga pinibigay ko lahat pala ng mga sulat at tula na ibinibigay ko sa kanya ay maingat niyang tinatago, matagal ko siyang kasama pero hindi ko alam na itinatabi pala niya lahat, pinakikielaman ko ang mga gamit niya pero wala akong nakita na mga lalagyan ng sulat sa damitan niya o kahit saan sa loob ng bahay( ako ang tiga ayos ng buong bahay). Naalala ko ng mga sandali yon noong mga panahon na binibigyan ko siya ng sulat ang ginagawa lang kasi niya titignan sabay sabi "ahhh" tapos ilalagay na niya sa drawer ng makina niya - na walang lock kaya nakakaramdam ako ng kauntin kirot sa puso kasi iniisip ko hindi niya na-appreciate ang effort ko pero mali pala ako maraming taong ding dala-dala ko ang paniniwalang walang halaga sa kanya ang mga bagay na iyon.
Masayang masaya ako ng matuklasan ko ang bagay na ito , totoo pala na kahit gaano mo katagal kasama ang isang tao kahit ang pinakamalapit saiyo marami ka paring bagay na hindi alam sa kanya at na patunayan ko ito ngayon.

sabi ng iba malupit sa akin ang aking ina sapagkat madalas niya ako pagalitan at piluin, ito ang paulit-ulit na naririnig ko nasinasabi nila NGunit hindi totoo ang paratang ng ito dahil ngayong magulang na rin ako naiintindihan ko na kung bakit ganoon kahigpit sa akin ang Ina….. Alam ko mahal ako ng aking Ina, Hindi lang niya alam ipakita, nararamdaman ko yun kahit hindi lumabas sa bibig niya na mahal niya ako, alam ko mahal niya ako higit sa buhay niya kaya hindi ko magawang magalit sa kanya dahil mahal ko rin siya.


Lunes, Disyembre 17, 2007

I THANK THEE

Today is my birthday (in spirit).

Five years in serving Him.

Offering Him thanks is the only thing I can do to repay

The Love that He shed and shown me

I thank Him for everything

I thank Him

In every wind that touched my face

In every rays of sun that I saw

In every rain that dropped

In every leaf that my plant grown

In every grain of rice that I had

In every sound that I heard

In every beats of heart

In every breath

In every strand of hair in my head

In everything that I knew

And also to the things I didn’t know

In all the people that I met

In every person that made me laugh

In every person that comforted me

In every person that made me cried

In every humiliation, distress, persecution, famine, nakedness, imperilment

And in every tribulation that I had undergo

In all of these I glorified Thee

Because I know that, all things work together for the good of those who love Him, to them who are called according to His purpose.

So I don’t need to worry, no more!

For the day of tomorrow will be anxious for the things of itself.


Miyerkules, Disyembre 12, 2007

Kung paano dapat makisama ang isang lingkod ng Dios kay Satanas.


Ito ay isa sa mga paksa na napakinggan ko mula sa aming mangangaral at ang lahat ng nakasaad sa blog entree na ito ay ayon lamang sa aking pagkaunawa sa napakinggan kong pangangaral.

Umpisahan natin sa tanong na ganito, Ano ba ang itinuturo ng Dios sa kanyang mga lingkod tungkol sa pakikisama sa mga nilalang na nasa paligid nila? Pasimulan natin sa talatang ito sa Galacia sinasabi ang ganito:

Gal 6:10 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya”

Isinasaad sa talata na inuutusan ng Dios ang Kanyang mga lingkod na gumawa ng mabuti sa lahat at binigyan ng diin ang ‘ mga kasangbahay sa pananampalataya’. Ang talata na ito ay nagpapahiwatig ng isang mataas na uri ng kabanalan sapagkat sinabi ‘lahat’ ibigsabihin walang puwera o walang pipiliin o iiwan. Kung walang puwera ibigsabihin pati kaaway mo ay iibigin mo katulad ng nasusulat sa:

Mat 5:44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;”

Mahirap ito gawin kung wala kang kasamang Dios sa buhay sapagkat natural sa tao ang gumanti, pagkaaway niya gusto niya saktan o gusto niyang ibalik ang masamang ginawa sa kanya. Ngunit kung nais ng isang tao na maging anak siya ng Dios dapat pagsumikapan niyang magawa ito sapagkat ang diwa ng pagmamahal na katulad nito ay mula sa Dios, muli nating basahin ang Mateo 5:44 at ituloy natin sa 45 hanggang 48

Mat 5:44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

Mat 5:45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

Mat 5:46 Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?

Mat 5:47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?

Mat 5 :48 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.

Yung pala ang malinaw na dahilan kung bakit nais ng Panginoon na ibigin din natin ang ating mga kaaway o yung mga tao na hindi tayo mahal o mahalaga sa kanila dahil nais ng Ama sa langit na maging katulad natin Siya.

Bukod sa ating mga kapwa ano pa ang ibang dapat natin alamin tungkol sa unang katanungan na: Ano ba ang itinuturo ng Dios sa kanyang mga lingkod tungkol sa pakikisama sa mga nilalang na nasa paligid nila? Ito pa ang isang talala na may pinahihiwatid kung paano dapat makisama sa ibang nilalang:

"Rev 22:8 At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
Rev 22:9 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios."

Nakita natin sa atin nabasa na ang dapat na paraan ng pakikisama na ating sa mga anghel ay huwag natin sila sambahin o iturin na mas mataas kaysa sa atin sapagkat katulad din natin sila na taga paglinkod. Ito pa ang isang talata na nagtuturo kung paano dapat tayo makisama sa ibang nilalang;

"2Ch 19:2 At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.

Ang masama at mga napopoot pala sa Dios katulad ni Satanas at kanyang mga alagad ay hindi dapat minamahal o di dapat tulungan sapagkat kapootan ng Panginoon ang sasaiyo.

Ang Pangkampi sa Panginoon ay pakikipaglaban kay Satanas at ang pagkampi kay Satanas ay pakikipag-away sa Dios. Isa lang ang dapat natin tayuan, sa masama o sa mabuti. Kung ang pagkampi ay Satanas ay pakikipag-alit sa Dios dapat alamin naman natin kung kailan o sa paanong paraan nagiging kakampi tayo ni Satanas o ng Diablo? babasa tayo ng talata, sa Roma ay may nakasulat na ganito:

"Rom 8:6 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
Rom 8:7 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:"

Ano ba ang kaisipan ng 'laman' ano ba ang ibigsabihin ng 'laman' dito, babasa pa tayo ng ilang mga talata upang lubos nating maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng 'laman' sa sulat ni Santiago may nakasaad na ganito:

"Sant. 3:15 Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo."

Ang 'laman' pala ay sa Diablo. At sa Galacia na kasulat ang mga gawain ng 'laman' at ito yon:

"Gal 5:19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
Gal 5:20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
Gal 5:21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; "

Ayon sa mga talata na ating nabasa kung nagiisip tayo ayon sa laman ay nakikipag-alit na tayo sa Dios sapagkat ang pagiisip ng sa 'laman' ay sa Diablo. Kung ayaw natin kumampi sa diablo dapat hindi tayo mag-isip ng ayon sa 'laman', lalo naman dapat hindi natin gawin ang ayon sa 'laman' sapagkat mag-isip palang ayon sa 'laman' ay pakikipag-alit na sa Panginoon.

Ngayon nalaman natin kung sa paanong paraan nagiging kakampi natin ang Diablo. ngayon alamin naman natin kung paano siya lalabanan at kung sa paanong paraan naman magiging kakampi natin ang Dios. Balikan natin ang binasa natin sa Galacia5:19-21 at ituloy natin sa 22.

"

Church Of God


Here's my little sweet girl, who makes me smile everyday.


The Path

The Path
The Path of Your Future is Not Behind You
ZWANI.com - The place for myspace comments, glitters, graphics, backgrounds and codes