Keep the word of our Lord into your heart…..

And you shall never want for anything.

Miyerkules, Disyembre 12, 2007

Kung paano dapat makisama ang isang lingkod ng Dios kay Satanas.


Ito ay isa sa mga paksa na napakinggan ko mula sa aming mangangaral at ang lahat ng nakasaad sa blog entree na ito ay ayon lamang sa aking pagkaunawa sa napakinggan kong pangangaral.

Umpisahan natin sa tanong na ganito, Ano ba ang itinuturo ng Dios sa kanyang mga lingkod tungkol sa pakikisama sa mga nilalang na nasa paligid nila? Pasimulan natin sa talatang ito sa Galacia sinasabi ang ganito:

Gal 6:10 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya”

Isinasaad sa talata na inuutusan ng Dios ang Kanyang mga lingkod na gumawa ng mabuti sa lahat at binigyan ng diin ang ‘ mga kasangbahay sa pananampalataya’. Ang talata na ito ay nagpapahiwatig ng isang mataas na uri ng kabanalan sapagkat sinabi ‘lahat’ ibigsabihin walang puwera o walang pipiliin o iiwan. Kung walang puwera ibigsabihin pati kaaway mo ay iibigin mo katulad ng nasusulat sa:

Mat 5:44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;”

Mahirap ito gawin kung wala kang kasamang Dios sa buhay sapagkat natural sa tao ang gumanti, pagkaaway niya gusto niya saktan o gusto niyang ibalik ang masamang ginawa sa kanya. Ngunit kung nais ng isang tao na maging anak siya ng Dios dapat pagsumikapan niyang magawa ito sapagkat ang diwa ng pagmamahal na katulad nito ay mula sa Dios, muli nating basahin ang Mateo 5:44 at ituloy natin sa 45 hanggang 48

Mat 5:44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;

Mat 5:45 Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap.

Mat 5:46 Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?

Mat 5:47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?

Mat 5 :48 Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.

Yung pala ang malinaw na dahilan kung bakit nais ng Panginoon na ibigin din natin ang ating mga kaaway o yung mga tao na hindi tayo mahal o mahalaga sa kanila dahil nais ng Ama sa langit na maging katulad natin Siya.

Bukod sa ating mga kapwa ano pa ang ibang dapat natin alamin tungkol sa unang katanungan na: Ano ba ang itinuturo ng Dios sa kanyang mga lingkod tungkol sa pakikisama sa mga nilalang na nasa paligid nila? Ito pa ang isang talala na may pinahihiwatid kung paano dapat makisama sa ibang nilalang:

"Rev 22:8 At akong si Juan, ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
Rev 22:9 At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios."

Nakita natin sa atin nabasa na ang dapat na paraan ng pakikisama na ating sa mga anghel ay huwag natin sila sambahin o iturin na mas mataas kaysa sa atin sapagkat katulad din natin sila na taga paglinkod. Ito pa ang isang talata na nagtuturo kung paano dapat tayo makisama sa ibang nilalang;

"2Ch 19:2 At si Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.

Ang masama at mga napopoot pala sa Dios katulad ni Satanas at kanyang mga alagad ay hindi dapat minamahal o di dapat tulungan sapagkat kapootan ng Panginoon ang sasaiyo.

Ang Pangkampi sa Panginoon ay pakikipaglaban kay Satanas at ang pagkampi kay Satanas ay pakikipag-away sa Dios. Isa lang ang dapat natin tayuan, sa masama o sa mabuti. Kung ang pagkampi ay Satanas ay pakikipag-alit sa Dios dapat alamin naman natin kung kailan o sa paanong paraan nagiging kakampi tayo ni Satanas o ng Diablo? babasa tayo ng talata, sa Roma ay may nakasulat na ganito:

"Rom 8:6 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa't ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.
Rom 8:7 Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:"

Ano ba ang kaisipan ng 'laman' ano ba ang ibigsabihin ng 'laman' dito, babasa pa tayo ng ilang mga talata upang lubos nating maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng 'laman' sa sulat ni Santiago may nakasaad na ganito:

"Sant. 3:15 Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo."

Ang 'laman' pala ay sa Diablo. At sa Galacia na kasulat ang mga gawain ng 'laman' at ito yon:

"Gal 5:19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,
Gal 5:20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,
Gal 5:21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; "

Ayon sa mga talata na ating nabasa kung nagiisip tayo ayon sa laman ay nakikipag-alit na tayo sa Dios sapagkat ang pagiisip ng sa 'laman' ay sa Diablo. Kung ayaw natin kumampi sa diablo dapat hindi tayo mag-isip ng ayon sa 'laman', lalo naman dapat hindi natin gawin ang ayon sa 'laman' sapagkat mag-isip palang ayon sa 'laman' ay pakikipag-alit na sa Panginoon.

Ngayon nalaman natin kung sa paanong paraan nagiging kakampi natin ang Diablo. ngayon alamin naman natin kung paano siya lalabanan at kung sa paanong paraan naman magiging kakampi natin ang Dios. Balikan natin ang binasa natin sa Galacia5:19-21 at ituloy natin sa 22.

"

Church Of God


Here's my little sweet girl, who makes me smile everyday.


The Path

The Path
The Path of Your Future is Not Behind You
ZWANI.com - The place for myspace comments, glitters, graphics, backgrounds and codes