Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal
Awit ng Pag-ibig habang ako'y nasa duyan
Sana'y di magmaliw ang dati kong araw ng munti pang-bata sa piling ni Nanay
Ito ang madalas kong awitin sa aking mga anak habang pinatutulog ko sila at sa tuwing inaawit ko ito hindi ko mapigilang lumuha sapagkat na aalaala ko ang aking Ina, ang mga sandaling magkasama kami. Mahal na mahal ko siya. Ganoon pala ang totoong nagmamahal wala kang maalaala na masamang ginawa o hinanakit o sama ng loob na ipinagtanim mo kung hindi yung magagandang alaala lang ang mari-retained sa isip mo, sa tuwing naaalala ko siya wala akong maalalang masama ang naaalala ko madalas niya akong paluin at pagsabihan pero walang rebellion na pakiramdam sa aking. Ang paulit-ulit na naaalala ko ay yung sandali na ako ang pinapalo ng mama ko kahit wala akong kasalanan. Natatandaan ko pagkatapos niya ako palutin at alam kong wala akong kasalanan ayaw ko siyang makita dahil galit ako pero pagpupunta na siya sa trabaho at hapon na hindi pa siya dumadating pupunta na ako sa kwarto namin at magdadasal sa harap ng altar at paulit-ulit yung na may kasamang pagluha na may pangako na magpapakabait na ako at pagsamo na iligtas Niya ang aking ina at iuwi sa aking ng ligtas, hindi ako tumitigil hanggang hindi dumadating ang aking Ina at pagdating niya nakikita niyang mugto ang aking mga mata tatanungin niya ako at ngiti lang ang isasagot ko, isa lang ito sa mga naaalala ko.
Noong nakaraan dumalaw ako sa aking Ina, upang kamustahin siya. May napansin ako na naka-display sa hagdanan nila na isang piraso ng papel na mukhang luma na at may nakaguhit dito na isang larawan ng mag-ina at may tula na nakasulat sa tabi ng larawan, ang ganda ng tula at OK din naman ang pagkakaguhit. Naapreciate ko talaga kaya tinanong ko sa aking Ina kung saan nila nakuha yung nakadisplay at tumawa siya at sabay sabi "E! di bigay mo sa aking noong Grade 6 ka" nagulat ako ng marinig ko yun kasi hindi ko maalala naibinigay ko yun. Kinulit ko ang aking Ina kung totoo ba talaga na ako ang nagbigay ng tula na iyon at muli sinabi niya "Oo nga, ikaw. . . mother's day mo ibinigay yan" at dahil mukha akong nagduda kaya pinakita pa niya ang iba kong mga sulat at sinabi niya "itinatabi ko yan..... naisip ko lang naman i-display". Lihim akong napaiyak kasi noong ko lang nalaman na pinahahalagahan pala ng aking ina ang mga pinibigay ko lahat pala ng mga sulat at tula na ibinibigay ko sa kanya ay maingat niyang tinatago, matagal ko siyang kasama pero hindi ko alam na itinatabi pala niya lahat, pinakikielaman ko ang mga gamit niya pero wala akong nakita na mga lalagyan ng sulat sa damitan niya o kahit saan sa loob ng bahay( ako ang tiga ayos ng buong bahay). Naalala ko ng mga sandali yon noong mga panahon na binibigyan ko siya ng sulat ang ginagawa lang kasi niya titignan sabay sabi "ahhh" tapos ilalagay na niya sa drawer ng makina niya - na walang lock kaya nakakaramdam ako ng kauntin kirot sa puso kasi iniisip ko hindi niya na-appreciate ang effort ko pero mali pala ako maraming taong ding dala-dala ko ang paniniwalang walang halaga sa kanya ang mga bagay na iyon. Masayang masaya ako ng matuklasan ko ang bagay na ito , totoo pala na kahit gaano mo katagal kasama ang isang tao kahit ang pinakamalapit saiyo marami ka paring bagay na hindi alam sa kanya at na patunayan ko ito ngayon.
sabi ng iba malupit sa akin ang aking ina sapagkat madalas niya ako pagalitan at piluin, ito ang paulit-ulit na naririnig ko nasinasabi nila NGunit hindi totoo ang paratang ng ito dahil ngayong magulang na rin ako naiintindihan ko na kung bakit ganoon kahigpit sa akin ang Ina….. Alam ko mahal ako ng aking Ina, Hindi lang niya alam ipakita, nararamdaman ko yun kahit hindi lumabas sa bibig niya na mahal niya ako, alam ko mahal niya ako higit sa buhay niya kaya hindi ko magawang magalit sa kanya dahil mahal ko rin siya.