Keep the word of our Lord into your heart…..

And you shall never want for anything.

Sabado, Pebrero 16, 2008

hinanakit?

Hinanakit?

May nagyari nitong nakaraan linggo na multo ng kahapon. Una palang ayoko ng magbigay o magbitaw man ng ano pa mang salita or comment dahil siguradong mayroon at mayroon akong masasakatan pero feeling ko kailagan isulat ko nalang ang saloobin ko dito sa live journal ko dahil I want to rest my mind about the issue that arise last week. Ayoko sana magbigay ng comment sa situation dahil asawa ko at dady (father-in-law) ko ang involve at alam ko ang bawat sasabihin ko ay 95% ay pabor sa kanila hindi lang dahil asawa ko at dady ko ang involve kung hindi dahil kilala ko ang pagkatao nila lalo na si jess(my husband). Nakita ko ang budhi ni jess mabuti siyang tao at hindi ko siya nakitaan ng kasakiman o kasamaan ng ugali ang problem lang sa kanya ay nahihirapan siyang ipaliwanag ang kanyang sarili sa iba at sa totoo lang most of the time na mis misinterpret siya . Nagdecide ako na isulat nalang dito ang saloobin ko about sa situation dahil wala akong mapaglabasan ng nararamdaman ko, hindi ko pwede rin sabihin lahat ng nararamdaman ko sa asawa ko dahil pwede itong mag cause para lalo siyang masaktan o mag arise ng galit sa loob niya o inis at ayokong rin namang magyari yun so all I have to do is be supportive and always stay calm in his sight ( para hindi ako makadagadag sa stress na nararamdaman niya).

Everything I will write in this journal is came onyl from my own opinion. And I prayed everything will stay here…. Nasabi lang naman ni jess lahat ng mga bagay na nasabi niya dahil sa pagmamahal niya kay dad, oo dahil sa pagmamahal niya! ang gusto lang naman niya ay mabago ang diwa ng mga tao na nakapaligid sa kanila. Gusto niya mabago ang diwa na ‘nanloko si dad or manloloko si dad or nagkamali si dad sa decision na ginagawa niya’ – marahil nga may pagkakamali si dad kung hindi man niya kinunsulta ang kanyang mga anak about sa decision na ginagawa niya pero para sa aking karapantan ng mga magulang na magdecision para sa kanilang sarili na kahit hindi na nila ipaalam sa mga anak nila pero ang mga anak ay laging may obligation na sabihin ang bawat hakbang nila sa kanilang mga magulang. Sa situation ni dad naiintindihan ko kung bakit hindi na niya naisipan na kunsultahin pa ang kanyang mga anak tungkol sa pagdedecision niyang ibenta ang rights ng lupa nila; una, expected niyang walang magiging problema ; pangalawa, hindi niya expected na may magtatampo dahil nga alam niya sa kanya yung lupa at walang maaaring makialam pa doon at hindi niya ibinigay yun kaninoman ( dahil ito naman ang totoo so may karapatan siya kung ano ang gusto niyang gawin nawala siyang inaalaala na masasaktan); pangatlo, ginawa lang naman yung ni dad para sa pangangailagan ng pamilya niya at hindi sa ano pamang dahilan.

Ang saloobin ko naman towards sa situation ni jess--- naiintindihan ko some how ang nararamdaman ni jess, why he acted that way kasi some how pareho kami ng situation dati (kasi may anak din ang father ko sa ibang babae). kasi nga kung may lakas ng loob para magsalita si manang joyce at may lakas ng loob na ipaalam na may tampo sila sa decision na ginawa ni dad may lalong karapatan si jess na magsalita kung ano din ang nasa loob niya. Oo nga naman may katwiran siya! una; walang kinunsulta si dad kahit isa sa kanila kahit kay jess hindi din sinabi ni dad yung tungkol sa pagbenta ng rights ng lupa noong huli nalang din nalaman yung ni jess. Jess understood that Dad did what he did in good conscience. Para sa aking opinion sumasang-ayon ako na hindi dapat nagsalita ng anoman si manang joyce (I don’t know her personally at hindi ko nga matandaan kung ano ang itsura niya at hindi ko rin alam kung ano ang sinabi niya kay ate Jessica) ang saakin lang dapat nag-isip muna siya mabuti bago niya binuka ang bibig niya kasi alam niya ang totoo kung para kanino talaga yung lupa at dapat nag-isip muna siya kung dapat ba ipaalam niya yung nararamdaman ng anak niya I do understand ang nararamdaman ng isang ina pero sana nag isip muna siya kung may ma-ooffend din siya at sana inintindi rin niya yung iba. Sana nag isip muna siya mabuti at itanong niya sa sarili niya ‘ dapat ba akong magtampo o dapat bang magtampo ang anak ko, dapat bang magsalita ako o kailangan ipaliwanag ko sa anak ko ang tunay na situation’. Para sa aking dapat hindi sila magkaroon ng hinanakit o tampo sa ginawa ni dad dahil una ginawa ni dad yung sa pangangailagan ng pamilya niya so anong masama doon at ano ang dapat ipagtampo doon ni jake, kanino ba napunta? di ba sa mga kapatid din niya. Kung paiiralin lang talaga ang respeto hindi dapat sila magtampo. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni jess kung bakit nasaktan siya na malaman na nag tampo si jake kasi nga naman wala manlang ginawang hirap doon si jake nagawa niyang magtampo. Samantalang wala naman silang na narinig na kahit anoman from jess noong ibinigay yung ni dad sa kanila.(Kasi nga noong I think high school o college pa si jess noon, sinasama siya ni dad sa mga Gawain niya like yun tungkol sa lupa na iyan.Sabi niya na naglilinis sila diyan at nagtatagal sila ng talahib at habang nagtatanggal siya ng mga damo at nag cacavite or what even na ginawa pa nila doon ngangarap siya na someday tatayuan niya yung ng bahay na malaki at maganda pagnatapos siya mag aral magtratrabaho at magpapatayo siya ng bahay sa lote na yon at kahit nahihirap at pagod na siya sinisikap pa rin niya tulungan si dad dahil in back of his mind sinasabi niya ‘para sa amin naman ito’. Para sa akin may karapatan si jess na masaktan sa nalaman niya na nagsalita si joyce about sa lote na yun at nalaman niyang may tampo si jake. Kasi nga siya walang sinabing anoman noong ibinigay ni dad yung. Pinag aralan ni jess na give up lahat ng dreams niya about sa lote na yun na walang hinanakit dahil nga sa kapatid naman niya mapupunta pero ano itong na laman niya na yung isang tao na ni hindi manlang nagbuhat ni isang maliit na bato o nag bunot manlang ng isang damo ay maykarapatan ipinaaalam na nagtatampo siya. Masakit talaga at nakakasama ng loob kasi nga parang itinuring ni jake na iba silang tao…ng yari din ito sa aking noong may gamit ang papa ko na nabili niya noong hindi pa sila ng sasama ng babae niya (pero ok naman na ang relasyon namin ngayon ni ate che) kailangan ko kasi ng pera emergency at tangin naging solution ng papa ko ay ibenta yung gamit na pag aari namin. nalaman ko na nag cause yung nag pag-aaway nila ni ate che-che nasaktan ako ng malaman ko yung, nagtatanong ako sa kanila , masama ba yung ginawa ng papa ko para ipagamot ako? kailagan ban a lagi silang may hati sa lahat ng bagay? kanino ba napunta yung pera na pinagbentahan? sa iba bang tao? (sa totoo lang kulang pa yung pinagbentahan sa pambili ng gamot) ako ang legal na anak pero hindi ako nagdedeman ng anoman from my papa lahat ng sahod ng papa ko sa kanila even my papa sa kanila parin pero siya ang kabit siya pa ang may lakas ng loob para magsalita at magalit---nabuhay kami ng mama ko na hindi sila pinorwisyo, sa maagang edad natuto akong magtrabaho at magtiis. Masakit talaga pag naramdaman mo ang mga bagay na ito at hindi ito basta maiintindihan ng iba. Magkaiba man kami ng situation ni jess pero may similarity pa rin. Si jess ang legal na anak at sila rin ang pinili ni dad para samahan, si jake ang anak ni dad sa ibang babae maybe may right na magtampo siya kay dad at humingin sila mag-ina ng financial support pero saan naman kukuha ang isang babae ng lakas ng loob para humingin ng support kung ninais niya na makisama ulit sa iba. Para sa akin hindi na dapat pinas-uusapan kung legal o illegitimate child, it all about moral obligation. At sa part na ito maaaring may usapan na sila dad at manang joyce kung bakit hindi na magbibigay si dad ng financial support and I don’t want na kalkalin pa yun at wala ako sa position para usisain pa yun.

About naman sa nararamandaman ni jess towards kay uncle bong. Ang ayaw lang ni jess ay yung ginagawa ni uncle bong na ginagamit niya ang situation para gipitin si dad o pagawain si dad na alam naman niyang labag sa kalooban ni dady. Naniniwala si jess na malalim ang pinagugatan ng alitan nila at hindi dahil lang sa lupa na yan at sa paniniwala na ito ay sumasang-ayon ako kay jess kung iisipin mo nga naman ano ang 100,000 kung kumikita siya ng 200,000/month. According to dad nagsimulang nag bago ang pakikitungo ni uncle sa kanya noong may nasabi si dad kay uncle about sa puntod ng parents nila. Ang gusto kasi mangyari ni uncle ay ipaayos at pagandahin ang puntod ng parents nila, pero himbis sumang-ayon si dad sa kanya idinaan ni dad sa kung ano ang sinasabi sa bible. Kung tama ang pag tala ko sa usapan nila ay tumatakbo sa ganito; sinabi ni dad kay uncle na huwag mo na ipaayos dahil patay naman na sila hindi na nila mararamdaman yun ibigay mo nalang sa mga kamag-anak mo na nangangailagan yung pera naipa-aayos mo doon. At dito na nagsimula ang napakahabang discussion nila hanggang na punta na kung asan-saan . At sa tingin ni jess na offend ng sobra si uncle na nagbugso ng galit sa loob niya kaya naghanap ito ng paraan para masupalpal si dad o ipahiya si dad kaya may part ng conversation nila noon ni dad na hinugot ni uncle bong ang religion ni dad at kinalkal na niya ang lahat ng nakaraan ni dad pero I admit na may mali sa paraan si dad ng pagsabi kay uncle kaya naman nasaktan ito- masakit talaga masabihan ng noong buhay hindi mo pinaramdam na mahal mo sila at wala ng silbi pa kung pag-gawa ng mga bagay na maganda kung patay na yung tao( sa totoo lang nag iiba talaga ang ugali ng tao pag naipasok na ang religion at iba talaga makaoffend ang religion).

Umaasa ako nasa paglipas ng mga araw marealize din ni uncle kung bakit talaga siya nagagalit kay dad at maayos na ang relasyon nila bilang magkapatid dahil na niniwala ako alam niya sa sarili niya at mismo ang budhi niya ang nagsasabi hindi ako niloko ng manong ko! kinatitigasan nalang niya yung mga nasabi niya because of pride and again it is all about pride of life kaya nagugulo ang isang relation.

Church Of God


Here's my little sweet girl, who makes me smile everyday.


The Path

The Path
The Path of Your Future is Not Behind You
ZWANI.com - The place for myspace comments, glitters, graphics, backgrounds and codes